Palalim nang Palalim ang Gabi


Wala akong kaamor-amor sa aso. Aso kasi ang kauna-unahang nag-iwan ng peklat sa aking balat. Pauwi ako noon mula sa eskuwela, pakandi-kandirit habang ikinakaway sa hangin ang kauna-unahang drawing ko na naka-100 at may mahabang-mahabang tsek ng titser. Halos matuyo ang gilagid ko sa pagngiti, sabik na sabik makauwi para maipagmalaki ang aking drawing.

Dahil sa tuwa, halos hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay ni Apong Goyang, limang lote mula sa amin. Kinatatakutan ang bahay na iyon, may lumalabas daw kasing amat[1] lalo na kapag oras ng orasyon. May aninong puti raw na pabalik-balik na lumulutang sa tapat ng bintana habang umaalulong ang aso ni Apong Goyang na si Kikintod. Kaya kapag dumadaan ako roon, sa kabilang gilid lagi ako ng kalsada naglalakad. Halos magkandabali ang leeg o magkandatisod sa paglingon palayo sa bahay ng matanda.

Pero noong hapong iyon, parang nawala ang kaduwarkugan[2] ko; halos maglaway ako sa kulumpon ng mga butil ng pulang-pulang Patak-dugo sa magkabilang gilid ng tarangkahan nila Apong Goyang. Gustong-gusto kong sinisipsip ang Patak-dugo lalo na kapag nagsasanib na sa dila ang tamis ng nektar at pakla ng dagta; nakakatanggal ng pagod at uhaw.

Bago ko pa man maibulsa ang dinakot kong mga butil, may kumaluskos at umangil mula sa balumbon ng mga sanga at dahon sa harapan ko. Sa takot, saglit akong napatda pero agad ding kumaripas. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman kong parang may humambalos sa akin. Dinamba pala ako ni Kikintod, kapapanganak at kaaway ang halos buong mundo. Wakwak ang shorts kong khaki na dalawang beses ko pa lamang naisusuot at parang riles ng tren ang kalahig ng mga kuko ni Kikintod sa aking hita.

Naaaninag pa hangga ngayon ang bakas ng mga pangil ni Kikintod sa kaliwang pisngi ng aking puwet.

Mula noon, isinumpa ko ang mga aso, gaano man kakyut, gaano man kamapagmahal. Hanggang dumating si Kero sa buhay naming mag-anak. Walang kaabog-abog. Ikatlong araw ng bakasyon noon, nagising na lamang ako isang umaga na may sinisinghalan si Doraemon sa sulok ng bakod. Naisip ko na baka nakakita na naman ng daga. Pero parang nag-aalangan siyang sumagpang. Habang ngumingiyaw, itinataas-baba niya ang kaliwang paa sa harap na parang ihinahanda ang bigwas ng kanyang kanan. Mayamaya, may iba pang pusang dumating.

“Grabe naman Tay, tumawag pa ng reinforcement,” sabi ng bunso kong anak na si Azul. Mukhang panawagan nga ang mga ngiyaw ni Doraemon. Hindi kasi nagtagal, langkay-langkay na nagsulputan ang lahat na yata ng pusakal o pusangkalye sa buong Tandang Sora – may sumuot sa ilalim ng gate, may nag-akrobat sa pader, at may bigla na lamang iniluwa ng lupa at ihinulog ng ulap. Naisip ko noon: Saang lupalop kaya namin itututok ang aming mga ilong kapag umebak ang sangkaterbang pusang ito?

Dali-dali kong dinampot at isinalpak sa gripo ang hose at pinusit-sitan ang mga katropa ni Doraemon. Para silang binomberong mga demonstrador, nagkanya-kanyang likwad at kubli.
Kung gaano sila kabilis sumulpot, ganoon din sila kabilis nawala. Samantala, nakaastang palaban pa rin si Doraemon, handang ipaglaban ang kanyang teritoryo hanggang wakas. Itinutok ko sa kanya ang hose; naningkit ang mga mata niya. Bahagya niyang binali ang kanyang mga paa sa likod at ikinurba ang kanyang gulugod. Umakmang tatalilis. Kabisado na kasi niya ang mangyayari; madalas ko siyang tutukan ng hose lalo na kapag naiinip ako. Bago pa siya makasikad para umeskapo, niratrat ko siya ng pinong pusitsit ng tubig. Sumukot siya at bahag-buntot na kumaripas, sunod-sunod ang kanyang pagbahing. Tinigilan ko lamang siya pagkatapos niyang makaisang ikot sa buong bakuran at tuluyan na siyang nakapuslit sa aking kalupitan. Tiyak gabi na ulit siya babalik.

Kumakawag-kawag naman ang buntot ng tuta sa sulok ng bakod, sa tabi ng katatanim na bugambilya. Parang nagpapasalamat sa kanyang kaligtasan mula sa tiyak na kamatayan. Kasingliit lamang siya ng sapatos ko. Malago ang kanyang balahibo, maamo ang mga mata, at di-hamak na kaibig-ibig kaysa mga karaniwang askal na madalas humablot sa plastik ng basurang isinasabit ko sa bakod.

Gising na rin noon si Luntian, ate ni Azul. “Tay, saan po galing?” tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot nilapitan na niya ang tuta, kinarga ito at hinimas-himas. “Paliguan natin Ate,” sabi ni Azul na agad namang kumuha ng planggana at tinanggal sa gripo ang kabilang dulo ng hawak kong hose. Habang nagpa-flash sa utak ko ang itsura ni Kikintod at ang halos isang linggo ko ring hindi pagpasok dahil sa bagsik ng kanyang pangil, binibinyagan naman nina Azul at Luntian ang tuta.

“Mula ngayon tatawagin kang Kero!” Paborito nilang magkapatid ang anime na Keroberos at sa pagbili ng mga kard na Keroberos halos nauuwi ang kanilang mga baon. “Savior ka namin laban sa mga daga!” At tuwang-tuwa silang inilublob sa isang plangganang tubig ang binibinyagan.

Pagkatapos ng rituwal, tuloy-tuloy na nilang pinaliguan ang tagapagligtas. Halos maubos ang kabibili kong kalahating litrong anti-dandruff shampoo na may isang oras yata nilang ipinampabula sa balahibo ni Kero. Tumigil lamang sila nang mangaligkig na sa ginaw ang gasuntok na katawan ng tuta. Kasunod noon, may isang oras yatang umatungal ang hair blower, na sinundan ng isang kawanggawang pang-aso: ginamit nila kay Kero ang hair brush na iniregalo sa akin ng bhuddist kong kaibigan noong nag-aral ako ng Human Rights sa Holland.

Sa halip na magalit, napakamot-ulo na lamang ako at nakisaya. “Ipaglaban ang karapatan ng sangkatutaan!” sigaw ni Luntian habang itinataas ang isang paa ni Kero sa harap. Kinuha naman ni Azul ang kabilang paa at agad ding itinaas. “Iboto para konsehal ng mga aso sa Tandang Sora!”
Hindi nagtagal, tumulong na rin ang nanay nila sa paglalagay ng kung anu-anong borloloy kay Kero. Ipinony ang buhok sa tuktok ng ulo, nilagyan ng ribbon sa buntot, sinuutan ng shades, minanikyuran, nilipstikan ang ilong, at dinamitan ng sandong inagaw sa isang teddy bear ni Azul.
Mabuti naman at may mapagkakalitungan na sila sa bahay. At saka naisip ko rin na hindi naman yata tamang pagkaitan ng pagkakataong magkaroon ng alagang aso ang anak dahil lamang kinagat ng aso ang ama.

  Nakihimas na rin ako. Parang bulak ang balahibo ni Kero. Sinarili ko na lamang, pero noong mga sandaling iyon, tuluyan na akong nagpaalam sa aking peklat at nagluwag ang aking dibdib. Pakiramdam ko lumaya ako at naibsan ng isang mabigat na bagahe ng alaala ang aking puwet, parang biglang nabura ang bakas ng pangil ni Kikintod.
Kapag may binyagan, natural may handaan. Sumikwat ng isang hiwang adobong baboy si Luntian mula sa aming almusal at idinutdot kay Kero. Matapos singhot-singhutin ang humahalimuyak na asim-alat ng mga himaymay ng kanyang handa, umingos lamang ang tuta. Lumabas ako agad para bumili ng gatas na kondensada. Noong buhay pa ang nanay ko, sabi niya nakaisang kuwarto raw ako ng Liberty at Alaska mula nang matuyuan siya ng gatas. Siguro naman hindi ako matutuyuan ng bulsa at matututo nang kumain si Kero.

Umalingawngaw sa bawat sulok ng bahay ang aming tuwa noong araw na iyon. Naroong mag-aso-asuhan o magpusa-pusaan ako sa pakikipaglaro sa bagong myembro ng aming pamilya. Halos hindi namin namalayan na gabi na at patapos na ang huling eksena ng paborito naming Jewel in the Palace nang magbukas kami ng telebisyon.

Pagkahapunan, si Kero pa rin ang fokus ng atensyon, at para bang alam niyang ganoon nga. Sa lahat ng posisyon niya – nakaupo, nakatayo, nakadapa, nakahiga – todo pakyut siya at papungay ng mata. Mag-aalas-dose na ng gabi nang tantanan namin siya. Iginawa ko siya ng higaan sa sulok malapit sa pinto – dalawang magkapatong na bagong labang doormat na may kobrekamang puting kamiseta. Bago matulog sina Luntian at Azul, tiniyak muna nilang maayos ang unang gabi ni Kero sa bahay. Iniwan nila siyang payapang nakadapa habang nakapatong sa dalawang paa ang baba.
Pagkatapos ng sampung minutong meditasyon at malalim na paghinga, inasahan kong magiging malalim ang tulog ko noong gabing iyon. At malamang na may kulay pa ang aking panaginip. Minasdan ko si Kero. Nakapikit at walang kakibo-kibo. . Dahan-dahan kong pinagdikit ang dalawang mahahabang bangkong kawayan at nag-iinat na inilapat sa mga ito ang aking likod.
 
Tulad ng dati, bago tuluyang anurin ng antok, nakipagtitigan muna ako sa kisame. Para muling usigin ng pabalik-balik na tanong: Kailan kaya kami magkakaroon ng sariling bahay?
Nakikitira kami noon sa bahay ng isang mapagkawanggawang kamag-anak. Kaya halos lahat ng puwede kong gawing palatandaan ng pakikisama ginagawa ko. Bukod sa pagbutingting ng kung ano-anong bagay, gaya ng pag-aayos ng tumatagas na lababo at di-gumaganang linya ng kuryente, iniatang ko na rin sa aking balikat ang pag-aayos ng bakuran. Sa likod, gumagapang na ang mga tanim kong giant ampalaya. Sa harap, nagdadahon na ang iba’t ibang kulay ng bugambilya na hinagilap ko pa sa kung saan-saang sulok ng UP Los Baños. Namumulaklak na rin ang yellow bell na pinagapang ko sa harap ng bahay paarko sa bintana. At kasinglapad na ng payong ng magmamani ang itinanim kong banaba sa gitna ng bakuran. Nakapaligid sa banaba ang mga paso ng gumamelang dilaw, daisy, camia, rose, sampaguita, at iba pang mga bulaklak.

Nasa ganito akong pagmumuni nang ihudyat ng huli kong hikab ang pagsuko ng aking mga pilik. Humukay ako ng isang malalim na buntong-hininga para tuluyan nang magpaangkin sa kapayapaan ng gabi. At nangyari ang hindi ko inaasahan.

Una’y kaluskos na sinundan ng pag-ungot. Sinubukan kong balewalain, pero parang sutsot ng security guard na nakaalalang kailangan palang busisiin ang bag ng mga pumapasok sa mall.
Nagkunwari akong walang narinig, todo-lambitin sa unti-unting tumatakas na antok. Ipinulupot ko ang aking konsentrasyon sa aking paghinga, sinubukang bilangan ang bawat pagpasok at paglabas ng hangin sa aking ilong. Kumangkang si Kero, parang palahaw ng nagugutom na sanggol. Palakas nang palakas, pahaba nang pahaba. Tuluyan nang nabulabog ang aking antok. Tumalungko ako at sinilaban ng nagliliyab na titig ang tutang parang pinupunit na lata ang lalamunan. Biglang bumalik ang sagpang ng mga pangil ni Kikintod sa aking puwet at ang kayod ng kanyang mga kuko sa aking hita. Bumalikwas ang suklam ko sa sangkaasuhan ng buong daigdig.

         Napurnada ang buong tag-araw na iyon na matagal kong inasam. Pambawi ko sana sa hapo at tensyon ng nagdaang semestre. Mga gabi sana iyon na walang tsetsekang papel at mga umagang hindi lilimbuwasangin ng alarm clock. Mga umagahan, tanghalian, at hapunang nanamnamin ang pagkain hanggang sa kahuli-hulihang katas. Mga araw na malaya sa pagkukumahog.

Pero wasak na pangarap ang lahat. Parang tore ng mga barahang pagkatapos pagtiyagaang pagpatung-patungin nang patagilid ay pinasambulat lamang ng buga ng electric fan.
Ang resulta: sinasalubong ko ang bawat umaga na namimigat sa bunakol ang aking mga mata, mistulang duhat na halos malaglag dahil sa kahinugan. Lulugo-lugo pero hindi puwedeng matulog ni lumingat man lamang. Pagkatapos magkakangkang sa buong magdamag, mananalanta ang sumisilip pa lamang na mga pangil ni Kero. Lahat ng kanyang makagat, nauurib – daig pa ang gilid ng pahina ng notebook na pinilas mula sa spring. Hindi niya pinatawad ang mula pa sa Amerikang mga tsinelas na pasalubong ng may-ari ng aming tinitirhan. Parang niratrat ng armalayt ang kaisa-isa kong sapatos na balat na may kung ilang linggo ko ring hinagilap sa ukay-ukay.

Nilapastangan din ni Kero ang mga paa ng sofa at mga kabinet, ang mga labi ng plastik na paso, ang mga gilid ng hamba ng pinto. Pati laylayan ng mga unipormeng isinasampay sa likod ng ref hindi pinaligtas ng kanyang walang kapagurang mga pangil.

At sa loob pa lamang iyon ng bahay. Sa labas, mas kasumpa-sumpa ang kanyang krimen. Pinagbubunot niya ang mga puno ng bugambilya, hinablot sa balag ang mga ampalaya. Parang inondoy ang mga bulaklak sa silong ng banaba, hindi hamak na mas sawimpalad kaysa mga nasalanta ng bagyong Ondoy.

Gusto ko na sana siyang balahibuhan at ipapulutan sa mga kapitbahay kong lasenggo. Dagdag gastos na nga, dahil binibilhan pa ng gatas at kung anu-anong pampabango at pamatay-pulgas, nambubulabog pa ng tulog at parang pesteng nananalanta. Pero sa tuwing hahawakan ko siya, nagdadalawang isip ako. Lalo na kapag tinititigan niya ako nang malamlam. Nararamdaman kong sa isang tingin lamang niya ay nawawala ang suklam ko sa sangkaasuhan. Isa pa, napamahal na siya sa mga bata at talaga namang sa mga oras ng kanyang katinuan ay para siyang anghel na sugo ng langit – maamo, malambing, at masayahin. Nagpasiya akong pagtiyagaan na lamang siya.

Minsan, naisip kong busalan si Kero. Kumuha ako ng basong styro, binutasan ang magkabilang gilid, binuhulan ng tansi, at itinakip ko sa kanyang nguso. Para siguradong hindi malalaglag, itinali ko ang styro sa kanyang kolar. Epektibo. Maghapon siyang hindi nakapanalanta. Kaya lamang, wala nang patlang ang kanyang pag-atungal. Araw at gabi na. Sa halip na kahit paano’y nakakanakaw ako ng idlip sa mga sandali ng kanyang pagpapahinga at kabaitan, maghapon akong nagtatakip ng tainga. Wala akong nagawa kundi isuko ang aking imbensyon.

Kunsabagay, napakahirap naman talaga ng kaniyang kalagayan. Halos matakpan ng styro ang mga mata niya, madalas siyang mabunggo at sumemplang. Parang lagi siyang lasing, bukod pa sa nahihirapan siyang huminga. Nagdalang-habag ako. Tinanggal ko ang styro sa kaniyang nguso, binayaang kumawala ang kaniyang mga atungal.

Natapos ang bakasyon at balik-pagtuturo ako. Sa wakas lumaya ako kay Kero, matatahimik na rin ang mga gabi ko. Sa dulo ng Umali Subdivision, Los Baños ako umuupa ng kuwarto noon. Dating poultry daw iyon, bihira pa ang bahay. Pagdating ng alas-sais ng hapon, kuliglig at katok ng butiki na lamang ang naririnig ko. Angkop na angkop sa paghihiganti sa puyat. Pero limang araw akong inisnab ng tulog, kahit antok na antok, kahit gaano ko piliting pumikit, nakikita ko si Kero. Naririnig ko ang kanyang mga ungot at palahaw. Kinikiliti ng kanyang dila at ngipin ang dulo ng mga daliri ko sa paa, ang aking talampakan. Nami-miss ko ang aming tagapagligtas.

         Biyernes pa lamang ng umaga ng linggong iyon umuwi na ako. Si Kero ang nasa isip ko sa buong biyahe at ang dami kong sana: sana araw-araw siyang pinaliliguan, sana ipinaghihimay siya ng ulam, sana huwag siyang awayin ni Doraemon. Nabura na lahat ng nagawa niyang atrosidad at balewala na rin sa akin kung sakaling napudpod na niya ang lahat ng puwede niyang ngatngatin sa bahay. Bago ako dumiretso nang uwi, dumaan muna sa ako sa palengke. Nagpalagare ako ng buto ng baka. Mas mainam iyon kaysa sa butu-butuhang yari sa plastik. Siguradong walang kemikal.
Pipindutin ko pa lamang ang doorbell lumusot na sa silong ng gate si Kero. Diniladilaan ang daliri ko sa paa, inamoy-amoy ang aking Sandugo. Walang tigil sa pagkawag ang kanyang buntot. Hindi magkamayaw ang kanyang mga paa sa pag-ukyabit sa laylayan ng aking pantalon.

          Dinampot ko siya at hinalik-halikan. Makintab ang itim na itim niyang mga balahibo, maamong-maamo ang mga mata niyang napapalibutan ng magkasing-bilog na kulay lupang tagpi. Parang antipara ni John Lennon. Pagpasok namin, ibinaba ko ang aking bakpak at ibinigay sa kanya ang pasalubong ko. Kinala-kalabit lamang niya sa una, parang tinatantya kung reresbak. Itinulak-tulak niya ng kanyang ilong at sinimulang dilaan. Hindi nagtagal at konsentrado na siya sa pagngatngat sa buto.

           Bawat linggo mula noon, inuuwian ko ng pasalubong si Kero. Binilhan ko siya ng bola ng tennis, na gustong-gusto niyang pagulung-gulungin at habul-habulin sa buong bakuran. Kapag may dala akong buko pie, siguradong may isang hiwa para sa kanya. Hanggang dumating ang araw na tumigil sa pangangati ang kanyang mga pangil, at unti-unting nagbago ang kanyang boses. Natapos ang kapraningan ko tungkol sa mga bagay na puwede niyang salantain at nakakatulog na ako nang mahimbing tuwing Sabado at Linggo.

Noong sumunod na tag-araw, ibang-iba na si Kero. May iisang sulok na siyang ihian at dumihan at kusa na siyang pumupunta sa tabi ng gripo sa oras ng kanyang pagligo. Hindi nagtagal at nagpakita na rin siya ng talento at kaya na niyang sumunod sa mga utos. Natuto siyang tumayo at maglakad nang nakataas ang dalawang paa sa harap, sumuot sa ilalim ng bangko nang gumagapang, tumalon sa magkakasunod na harang, pumulot ng mga bagay, sumipsip ng tubig gamit ang straw, magbilang sa pamamagitan ng pagkahol, lumakad nang patalikod, at marami pang “kabulastugan” na lalong nagpamahal sa kanya sa bawat isa sa bahay.

Kasabay ng magagandang bagay na nangyayari kay Kero, unti-unti namang tumubo at yumabong ang mga halaman sa bakuran. Dumami rin ang mga kulisap. Minsan, habang pinapanood namin nina Azul at Luntian ang mga uod na ngumangatngat sa dahon ng lagundi, patalon-talon sina Kero at Doraemon sa pakikipaghabulan sa mga paruparo. Maging ang mga dating napakaiilap na maya ay hindi na rin nagugulat sa kanya. Kahit na nagdadadamba siya, naroon lang sila palukso-lukso, kampanteng tinutuka ang mga kaning sinasadya kong isabog para sa kanila.
Nagbinata si Kero kasabay ng pagyabong at pamumulalak ng bugambilya at yellow bell. Berdeng berde rin ang mga palmerang nakahalayhay sa gilid ng bakod. Sa silong nila nagpapalamig si Kero tuwing tanghali. Sa gilid ng pader, nakakapit na ang mga orkids na iniuwi ko mula sa kung saan-saang tindahan ng bulaklak sa Los Baños. Sa likod, gahinlalake na ang mga buko ng ampalaya, dilaw na dilaw ang kanilang mga bulaklak, Nangangako ng isang masaganang ani.

Naging mas responsable naman ang dalawa kong anak. Maaga silang umuuwi galing sa eskuwela para makipaglaro kay Kero o magtulungan sa pag-aasikaso sa kanyang pangangailangan. Natuto rin silang maging masinop at matipid sa pagkain. Kapag karne ang ulam, siguradong may porsyento si si Kero sa kanilang parte. Kapag bumibili sila ng ice cream, tiyak na mayroon para sa tagapagligtas.

Lumaking mabulas si Kero, hindi hamak na mas malaki kaysa karamihang askal. Sabi nga ng mga kaibigan kong dumadalaw sa bahay, parang kombinasyon daw ng german shepherd at doberman si Kero. Talaga namang hindi siya mukhang askal, malinis siya at halos hanggang baba ko siya kapag nagsasayaw kami. At malagong ang kanyang kahol, bumabahag ang buntot ng mga asong makarinig sa kanyang boses.

Nang magtatlong taon siya, natutuhan niyang pumihit ng doorknob, magbukas at magsara ng pinto, at pumindot ng switch ng ilaw. Natutuhan din niyang piliin ang pag-aaksayahan niya ng kahol. Kapag kilala niya ang nasa gate, kakamot siya sa pinto at magpapaikot-ikot hanggang hindi nakakapasok ang dumating. Kapag hindi niya kilala, pupuwesto siya sa tapat ng gate at magpapakawala ng mga solidong kahol, higit sa sapat para magdalawang-isip ang sinumang nagbabalak manloob.

Mula noon, hindi na siya sa loob ng bahay natutulog; nabubulabog kasi ang buong sambahayan kapag naaamoy niyang may estranghero sa gate. Ihinudyat noon ang simula ng wakas ng kanyang pagiging kyut na laruan lamang. Katuwang na siya sa pagtiyak ng aming seguridad; hindi na lamang siya tagapagligtas mula sa daga; tagapagtanggol na rin siya laban sa mga akyat-bahay.
Sa mga gabi ng pagtupad niya sa kanyang tungkulin, naririnig siguro ng sangkaasuhan sa Tandang Sora ang alingawngaw ng kaniyang boses, ang matipuno niyang kahol. Kaya hindi nagtagal at may mga dalaginding nang umaaligid sa bahay. Sa una’y pasilip-silip lamang sa siwang sa ilalim ng gate pero nang lumaon, pumapasok na at nakikipagharutan kay Kero.

Isang Sabado, namasyal sa SM ang mga kasama ko sa bahay. Sasama sana ako pero marami akong dinalang papel na tsetsekan. Alas-siete pa lamang ng umaga, sinimulan ko nang makipagbuno sa santambak na sanaysay ng aking mga estudyante. Tinamad na akong magluto, bumili na lamang ako ng pandesal para may ipantawid kami ni Kero sa pananghalian. Pagdating ng alas-tres, gusto nang bumagsak ng mga mata ko at nangangalay na ang aking likod. Pero hindi ako puwedeng matulog, halos nangangalahati pa lamang ako sa pagtsetsek.

Tumayo ako at naglakad-lakad habang nag-iinat. Umikot ako sa likod-bahay at nilanghap ang samyo ng mga bulaklak ng ampalaya. Sa gilid ng pader, nakasikangkang si Kero, kakawag-kawag na parang kinakati ang likod. Biglang kumislap ang isang karumaldumal na balak sa aking utak. Bakit nga ba hindi, sabi ko sa aking sarili. Nilapitan ko si Kero at hinihimas-himas, una sa leeg at sa mga kilikili. Hanggang dumako ang mga daliri ko sa kanyang titi, pinisil-pisil ko muna bago sinakmal at unti-unting sinalsal. Parang nagustuhan naman niya; umunat lalo ang kaniyang mga paa. Hindi nagtagal sumungaw ang matulis at kulay rosas niyang laman, mamasa-masa at pahaba nang pahaba.

“Tarantado ka Kero!” patawa kong sabi habang tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsalsal sa kanya.

         Humaginit pabalik sa sagingan sa gilid ng aming kubo ang aking memorya. Hali-haliling pinipitik-pitik ng uncle ko ang mga titi naming magpipinsan. Bibigyan raw niya ng bentesingko ang may pinakamahaba. Ipinakita niya sa amin kung paano magpalaki ng titi. Hinawakan niya ang hintuturo ng kabila niyang kamay saka sinalsal. Puwede rin daw ipitin ang titi sa pagitan ng mga palad habang pinagtatagis ang mga ito. “Sige subukan n’yo,” sabi niya. Habang ginagawa namin ang kanyang itinuro, inilabas niya ang kanyang uten. Halos mapasigaw ang pinsan kong si Biryong. “Asus, angkil, grabi naman yan, parang burdon[3]!” sabi niya. Halos mapigtas na ang mga ugat ng titi ko noon, at mahapdi na. Mayamaya gumawa ng tig-isang butas sa tatlong puno ng saging si uncle. Para raw mapraktis, kailangang ilabas-masok namin ang aming mga titi sa butas na iyon. Ganoon daw ang ginawa niya. Lalong humapdi ang titi ko, kaya lamang gusto ko magkaroon ng ga-trosong titi kaya sumunod na lamang ako.

“Pag bilang ko ng tatlo” sabi ni uncle, “pumunta kayo sa ilalim ng balag at pumili kayo ng upo na tutularan ng mga titi n’yo.” Agad kaming pumili ng kanya-kanyang upo pagdating namin sa ilalim ng balag. Piliin daw namin ang pinakamabalahibo. Ga-braso ang pinili ko, balbon na balbon sa bulo. Gaya ng utos ni uncle, ikinaskas namin sa pinili naming upo ang mga titi namin, sa paniniwalang pagkatapos noon ay matutupad ang pangarap naming magkaroon ng higanteng uten. Habang nakapikit, sabay-sabay naming ibinulong ang lihim na dasal na itinuro ni uncle: “Uten ko, uten ko, lumaki kang tulad ng upo.” Tatlong beses naming inusal ang dasal. Pagmulat namin wala na si uncle, dapat daw kasi hindi niya marinig ang pagdadasal namin.

Kinabukasan, nalinggal ang buong bayan dahil sa palahaw ni uncle habang binabambo ni Lolo. Hindi na kasi namin nailihim ang nangyari. Pagkagaling namin sa balag ng upo, halos gumapang kami sa alikabok pauwi dahil sa kati at hapdi ng aming mga titi. Lumaki nang ga-braso ko ang aking titi dahil sa pamamaga.

Naputol ang paglalakbay-diwa ko nang magsimulang maglaway ang titi ni Kero. “Tarantado!” sabi ko uli, kasunod ng malutong kong tawa. May kumalatik sa gate, bumukas ang pinto. Bumalikwas si Kero at sabik na sabik na sumalubong sa mga dumating. Hindi ko malaman ang isasagot ko nang tanungin ni Azul kung bakit may nakalabas na laman sa tiyan ni Kero. Napapatawa pa rin ako hangga ngayon kapag naaalala ko ang ginawa kong iyon kay Kero. Karumaldumal na “krimen” pero walang pangingimi kong isinakatuparan.

At ito ang siste pagkatapos noon: Tuwing uuwi ako, sasalubungin ako ni Kero, yayakapin ako sa binti at kakantutin. Kahit anong bawal ko sa kanya, ganoon at ganoon ang ginagawa niya tuwing magkikita kami.

Minsan, may home visitation ang adviser ng seksyon nila Azul at ang kanilang prinsipal. Para hindi na magkawalaan, sinalubong ko na sila sa kanto ng Himlayan Road at Tandang Sora, mga limampung metro mula sa amin. Pareho silang matandang dalaga, at halos di makabasag pinggan. Pagbukas ko ng gate, agad akong dinamba ni Kero. Yumakap siya sa kanan kong binti at parang nagmamalaking idinemonstreyt ang pinakabago niyang natutuhan sa buhay. Kunwari namang walang nakita ang dalawa, nilibang nila ang kanilang sarili sa pagpuri sa tanim kong mga bulaklak. Sa hiya ko, nasaid ang kalahating sako naming mangga na galing pa sa Zambales. Ipinabaon ko lahat sa dalawang bisita.

Nawala lamang ang pagnanasa sa akin ni Kero nang magsimula na siyang manligaw. Madalas pag-uwi niya, may kasama siyang babaeng aso na makikitulog at makikikain sa bahay sa loob ng tatlo o limang araw. Hanggang minsan binulaga na lamang kami ng dalawang asong kamukhang kamukha ni Kero. Hindi nagtagal at naging asawa niya ang isa sa mga iyon. Kumbaga sa tao, isang dakilang palikero si Kero. Playdog sabi nga ng aming kapitbahay. Hindi lamang siguro dalawampu ang kanyang nakarelasyon at naanakan. Wala pa sa bilang na iyon ang mga nainlab sa kanyang hindi namin nakita. Madalas na siyang lumabas noon, madalas nang inuumaga ng uwi.
Minsan dumating si Kero na lulugo-lugo. Nang pagbuksan ko siya ng gate, dali-dali siyang pumunta sa kanyang tulugan. Sinundan ko siya at tinanong kung anong nangyari. Hinipo ko siya sa ulo, halos mapaso ako sa init. Nilalagnat siya. Mayamaya, tumayo siya at susuray-suray na nag-ikot sa bakuran. Humablot siya ng damo na nginuya niya nang nginuya hanggang masuka siya. Sa awa ko, nilapitan ko siya para haplusin. Bigla niya akong sininghalan, inilabas niya ang kanyang mga pangil at kumamot sa pader ang kanyang angil. Umigtad ako palayo sa kanya. Si Kikintod ang nakita ko, nakaambang dumamba sa akin.

Nataranta ako, umaapuhap ng kaligtasan. Hindi ako papayag na maulit ang ginawa sa akin ni Kikintod. Halos mapigtas ang mga ugat ko sa kamay sa higpit ng kapit ko sa hawakan ng walis-tingting na nakasandal sa banaba. Binaligtad ko iyon at agad na ipinang-ulos sa pasugod na si Kero. Suwak sa kaniyang bibig ang dulo ng kahoy. Sumargo ang dugo mula sa kaniyang gilagid. Humataw pa ako ng isa, sapul siya sa panga. Sumukot siya at kumaripas palabas. Hindi ko maubos-maisip kung paano siya nagkasiya sa isang dangkal na siwang sa ilalim ng gate. Nanginginig akong binitiwan ang walis, napaupo ako, binabayo ang dibdib.

Magdamag kong hinintay si Kero, hindi siya dumating. Natapos ang maghapon kinabukasan, walang Kero. Nagdaan ang isang linggo at parang namatayan sa bahay. Naglaho ang tawanan. “Baka nakakita ng bagong syota,” sabi ng kapitbahay. “Sana nga,” sabi ko sa sarili ko. Kunsabagay, may mga pagkakataon ding halos isang linggo siyang hindi umuwi.

Pugad ng mga lasenggo ang isang compound na mga dalawampung metro ang layo mula sa amin. Sa tuwing maiisip ko ang puwedeng mangyari kay Kero, hindi ko maiwasang magalit sa sarili. Kung pinabayaan ko na lamang muna siya, sana hindi siya nagtampo, sana hindi siya nawala.
Hindi ko na matitigan ang mga bata, lalo na si Azul. Bakas na bakas ang lungkot sa kaniyang mukha, laging nangingilid ang luha kapag napag-uusapan si Kero. Isang Sabado, pasado alas-nuwebe na ng gabi at nag-aabang pa rin siya sa gate. Hindi ko matagalan ang taghoy ng pangungulila sa pagsigaw niya ng “Kero”. Nilapitan ko siya. “Anak, matulog ka na, hayaan mo hahanapin ko siya.” Tuluyan na siyang humagulhol. Inihatid ko siya sa higaan at pinangakuang hindi ako uuwi nang hindi ko nahahanap si Kero.

Noong gabing iyon, bumuo ako ng isang sumpang pinanghahawakan ko pa rin hangga ngayon: hinding-hindi na ako magmamahal at mag-aalaga ng aso. Lalo na ngayon na nakatira ako sa komunidad na mahigpit ang patakaran sa pag-aalaga ng hayop. Kailangang pabakunahan, kailangang nakatali o nakakulong. Kawawa ang asong nakakulong, nalalapastangan ang kanyang pagkaaso. Kapag pinawalan naman, laging naririyan ang panganib na baka makakagat o baka pulutanin. Ayaw ko na talagang magmahal ng aso.

Paglabas ko ng gate, humugot ako ng mahabang buntong-hininga. Inarmasan ng pag-asa ang sarili para sa isang mahabang paghahanap. Habang binabaybay ko ang kahabaan ng Himlayan Road, paminsan-minsan isinisigaw ko ang pangalan ni Kero. Pagdating sa pugad ng mga lasenggo, tumigil ako at nakiramdam, iginala sa paligid ang mata, tinalasan ang ilong. May ilang umpukan pero hindi naman tumatagay. Nagpatuloy ako sa paglakad. Hindi ko na namamalayang halos mapaos na ako sa pagsigaw ng “Kero”. Bawat asong itim na maaninag ko agad kong tinututukan ng flaslayt at sinusundan.

Habang naglalakad, sumagi sa isip ko si Fr. Rudy Romano, idolo kong pari noong nasa seminaryo ako. Dinukot siya ng militar noong 1985 at hindi pa natatagpuan hangga ngayon. Sinalakay ako ng panlulumo na agad sinundan ng pagsilakbo ng poot. Ubod-lakas kong ibinato ang hawak kong flaslayt. Humagulhol ako at nagmura: “Putang ama Kero, pari na ‘yon, alagad ng Diyos! Ikaw pa kaya?”

Hindi ko na mapigurahan noon kung saang direksyon ako papunta; padilim nang padilim ang paligid, palalim nang palalim ang gabi. Nangangapa ang aking mga paa, gumagaralgal ang aking lalamunan sa pag-alulong:

“Kerooooooooooo! Kerooooooooooo!”


[1] amat (mabilis) – multo.
[2] kaduwarkugan (mabilis) – kaduwagan o pagiging matatakutin. Mula sa duwarkog na ang ibig sabihin ay duwag.
[3] burdon -- troso.

Saan ipinadpad ng hangin ang mga amugis?

"Bago pumintog ang palay, magmumuta ang mga uhay,” paliwanag ni Mang Nato nang tanungin ko kung ano ang ibig sabihin ng amugis. Bumunot siya ng talahib at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Halimbawa,” – hinagod ng kanyang palad ang bulaklak ng hawak niyang talahib – “kung ito ‘yung uhay, may mga kulay puting kakapit dito, parang muta. Amugis ang tawag dun.” Tiningnan ako ni Mang Nato, mula sa mata pababa sa hawak kong digicam, pakiramdam ko tinatantya niya kung naintindihan ko ang kaniyang sinabi.

           Nang mahalata siguro niyang malabo pa sa akin ang kanyang paliwanag, idinagdag niya na sa Ingles, pollen ang katumbas ng amugis at pollination ang nag-aamugis. Nangyayari ang pag-aamugis sa panahon ng kaamugisan, o pamumulaklak ng palay. Mamamagpag o lalaglag ang mga amugis papasok sa tulyapis at magsisimula itong mabuntis.

Isa lamang ang amugis sa humigit-kumulang 200 termino sa pagsasaka na nakalap ko sa Dolores, Quezon. Bahagi ito ng ginagawa kong pananaliksik ukol sa mga varayti ng Tagalog sa Calabarzon, na ibinunsod naman ng pagninilay ko – bilang guro sa Filipino at Panitikan – ukol sa wikang Tagalog.
Tagalog ang dominanteng wika sa Calabarzon pero hindi iisa ang wikang ito. Maraming salita at katawagang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nilang transaksyon na hindi naririnig o nababasa sa opisyal o pormal na komunikasyong gumagamit ng Tagalog.

Akala ko noong una, base sa exposyur ko sa masmidya at panitikang Tagalog, ay iisang wikang Tagalog lamang ang ginagamit sa Calabarzon o maging sa buong Katimugang Tagalog. Pero ang akalang ito ay kaagad na napasinungalingan ng simpleng pakikinig ko sa usapan ng mga estudyante, mga manininda sa palengke, mga drayber, at maging mga propesyunal mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon. Halimbawa, ang sandok ay tinatawag ring sanrok, ang naglalakad ay nagbabakay, ang dahil ay gawa ng, ang lolo ay mamay, ang nilalandi ay nilalaro, ang nag-uurong ay naghihimpil, nagsisimpan, naghuhugas ng pinagkainan, at marami pang iba.

            At dahil nga taglay ng wika ang lawak at lalim ng iba’t ibang aspekto ng buhay ng taumbayan, naisip kong napakahalaga para sa UP Los Baños na pag-aralan ang mga varayti ng Tagalog sa naturang bahagi ng Region IV. Dalawa ang pangunahing dahilan nito: Una, nakabase ang UP Los Baños sa rehiyon at natural na ang Katimugang Tagalog ang magsilbing pangunahing balon at lunsaran ng mga teknolohikal na pagtuklas at syentipikong pananaliksik nito. Ikalawa, ang mamamayan ng rehiyon ang pangunahing kaagapay ng unibersidad sa pagsasagawa nito ng iba’t ibang serbisyong pang-komunidad. Halimbawa nito ang programang pang-edukasyon ukol sa paggugubatan at paghahayupan na inilulunsad ng unibersidad sa iba’t ibang barangay sa rehiyon.

Ang pananaliksik na ito, samakatuwid, ay magiging daan ng ibayong kaalaman at pag-unawa ng UPLB sa Katimugang Tagalog, na tuntungan naman ng mas mahusay na pakikipag-ugnayan at serbisyo ng unibersidad sa mamamayan ng rehiyon. Magsisilbi rin itong signifikanteng kontribusyon ng UPLB sa paghubog ng Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas.

Pero sa pagpapabalik-balik ko sa Dolores, higit pa sa itinakda kong layunin ng pananaliksik ang nangyari. Sa proseso ng pakikipagkuwentuhan ko kina Mang Nato, hindi lamang ako nakakalap ng mga salita; napasok ko rin ang “kalooban” ng komunidad na kanilang kinabibilangan at ang mismong buhay ng mga magbubukid na nagluwal ng salitang amugis. Para tuloy umigsing damit ang aking pananaliksik na hindi nagtagal ay tuluyan ko nang ihinubad. Upang mas malaya kong masagap ang lamig ng hangin at ligamgam ng araw sa paanan ng Bundok San Cristobal. Lalo pa’t ang pakikipagkuwentuhan ko kina Mang Nato, ang bawat kasangkapan sa pagsasaka na matiyaga nilang ipinakikilala sa akin, ang bawat bahagi ng linang na aking inuusisa ay naghahatid sa akin sa bukid na daigdig ng aking kamusmusan apatnapung taon na ang nakararaan.

Lumaki akong kapiling ang pilapil. Bago gawing dam ang Pantabangan, ang kabukiran nito ang aking daigdig. Sa edad na sampung taon, natutuhan ko ang iba’t ibang gawaing bukid, mula sa pagpupunla hanggang pag-aani ng palay at sibuyas. Pero hindi naman talaga trabaho sa akin ang mga gawaing iyon. Parang laro lamang; pakikipagtudyuan habang nagtatanim o nagbubunot ng damo o namumulot ng palay.

Kaya higit sa pag-abot sa mga layunin ng aking pananaliksik, ang ginagawa kong pangangalap ng salita sa Dolores ay isang pagbabalik sa sarili. Lalo pa’t natuklasan ko na ang mga salitang inakala kong taal na dilang Pantabangan ay ginagamit din sa Dolores. Halimbawa nito ang bakol (yari sa kawayan o yantok na lalagyan ng palay o gulay); bangkuwang (klase ng banig), bakuko o binakuko (klase ng itak), at maraming pang katawagan.

Kaya sa kabila ng mga problemang kinaharap ko sa pananaliksik na ito, gaya ng kakapusan ng pera at panahon, hirap ng byahe, at problema sa kaligtasan, hindi ako pinanghinaan ng loob. Pakiwari ko kasi, sarili kong buhay ang aking sinasaliksik.

Noong ipinapaliwanag ni Mang Nato ang tungkol sa amugis at pagbubuntis ng palay, ang nasa isip ko ay ang mga dilaw-berdeng palay sa bukid ng aking lolo. Alam ko ang sinasabi niyang kulay puting nasa uhay, nahawakan ko na iyon, pero hindi ko alam ang pangalan. At may inggit na namuo sa loob ko: “Bakit wala sa bokabularyo namin ang salitang amugis?”

Aywan ko, siguro hindi ko lamang alam. Baka mayroon din, kung hindi man eksaktong amugis ay ibang salita. Kaya lamang, kasama na yata itong nalunod ng mga pinitak noong palubugin ang bayan namin. At dahil wala na ang mga bukid, unti-unti na ring nababaon sa limot ang maraming salitang Pantabangan na iniluwal ng pakikipagniig ng aming mga ninuno sa lupa.

Nahalinhan ng mga kuwentong-abrod ang mga kuwentong-bukid. Ang dating umpukan tungkol sa pagtatanim, pag-aani, at iba pang gawaing-bukid ay napalitan ng mga balitaan tungkol sa padala, dolyar, remitans, at iba pang may kaugnayan sa pangangamuhan sa ibayong dagat. At isa-isa nang namamatay ang mga matatandang ginugol ang halos buong buhay nila sa bukid, mga magsasakang ang talino ay nalinang sa piling ng araro at kalabaw.

Isa ang karanasang ito sa mga inspirasyong nagtutulak sa akin na halughugin ang mga kabukiran sa Calabarzon, partikular sa Dolores, Quezon. Bukod sa posibilidad na mabaybay ko ang ugat ng aming dila, malamang masagip ko rin ang mga salita naming nalunod sa dam. Totoong wala nang praktikal na gamit ang mga salitang ito dahil wala na ang aming mga palayan; pero makakatulong ito sa rekonstruksyon ng aming nakaraan. Gaya ng kung paanong sa pamamagitan ng mga termino sa pagsasaka sa Dolores ay nasilip ko ang iba’t ibang aspekto ng buhay ng mga magsasaka roon.

Sa proseso ng pakikipanayam, hindi ko lamang naitala ang mga salita; mas higit nahukay ko ang mga kaalaman, pagpapahalaga, karanasan, at ugnayan ng mga tao sa Dolores. Pinagtitibay nito na ang wika ay hindi lamang simpleng midyum ng komunikasyon; nakapaloob din dito ang kalinangan ng mga taong nagluwal nito. Halimbawa, habang ikinukuwento ni Mang Nato ang proseso ng pagsasakang sahod-ulan, nailalarawan na rin niya ang “buhay-buhay” sa kanilang lugar at ang karunungang taglay ng isang magbubukid.

Mula paghahanda ng lupang tatamnan hanggang pagbabayo ng aning palay, maalam bumasa ng mga palatandaan ang magbubukid. At may pangalan ang bawat palatandaan: nanunulot ang tawag sa sumisibol na punla, nangangarayom kapag marami nang nakausbong, nanunudling kapag nakikita na ang hilera ng mga punla, at nalugay o natungo ang mga uhay kapag buntis na ang mga butil. Hudyat ng pagbubuntis ng palay ang kaamugisan.

Sa pamamagitan ng kalmot o parang suklay na gamit-pandamo, pupuladin o bubunutin ng magsasaka ang mga damo sa paligid ng palay. Kapag tumaas na ng isang piye ang damo, susungalin o tatabunan ang mga ito para tuluyang mamatay.

Kapag bumubulwak o lumalabas na sa uhay ang palay, lalabas na rin ang mga kamutaan o mga puti sa dulo ng uhay. At alam ng magsasaka sa panahong ito na nag-aamugis na o nagkakaroon na ng polinasyon. Pag kaalabugan o sapaw na ang mga uhay at naghahati na ang dilaw at berde sa palayan, malapit na ang pagapas.

Ang ganitong kakayahang basahin ang mga likas na palatandaan ay karunungang kakambal ng nakayapak na pagtuntong sa lupa. Wala ito sa klasrum. Noong ikuwento ko ito sa isang MA student ng agriculture, kamot-ulo lamang ang nagawa niya sa paghanga. At panghihinayang na wala ang ganitong “karunungan ng lupa” sa kanilang kurikulum. Kahit na raw sa mga expertong nakakasalamuha nila mula sa IRRI.

Sa panahon ng anihan, mas tumitingkad ang bayanihan. Aning-kamay man o ginamitan ng yatab o bakal na may talim na iniiipit sa mga daliri, mas malamang kaysa hindi na magtutulungan ang mga magsasaka. Masigla sila sa pagpungpong o pagtipon ng palay sa kanilang kamay; sa pagtalaksan ng mga inaning uhay – pabilog man (talapok) o pahaba (suwangga).

Kasunod nila ang mga naglilikay, mga taong namumulot ng mga naiwang uhay sa linang na pinagdaanan ng mga nag-ani. Kadalasang walang sariling linang ang mga naglilikay. Alam nila na may mga uhay na sinasadyang iwanan ng mga manggagapas kung kaya sa proseso ay lalong tumitibay ang unawaan at kapatiran sa kanilang pagitan.

Sa paggigiik, nagbibidahan sila o nagkakantahan habang tinatapakan nila ang mga uhay. At hindi lamang simpleng pagpadyak sa palay ang kanilang ginagawa, habang tumatagal ang paggigiik, nakakabuo sila ng sinkronisadong ritmo ng pagpadyak at pagkanta.

Kung may nupnop at hindi sila nakakapaghayang ng palay, mayroon silang paraan para matuyo at maging bigas ang bagong aning palay. Magtitinanak sila -- isisigang ang sariwang palay sa palyok, pagkatapos ay isasangag at babayuhin. Mayroon na silang isasaing. Sa dinami-dami ng librong binasa ko tungkol sa pagsasaka sa bansa, sa dinadami-dami ng kinunsulta kong mga dalubhasa sa agrikultura, hindi ko kailanman nasumpungan ang ganitong karunungan.

Kapag tumataguktok na ang halo at lusong, imbitasyon na iyon ng pakikiasod o pagtulong sa pagbabayo ng palay, na susuklian naman ng bigas ng may-ari. Kapag dalawa ang nagbabayo, tinatawag nila itong magkaasod; kapag tatlo, asudan. Parang alon ng ilog na kusang dumadaloy ang ganitong pagbabayanihan, pinagdudugtong ang magkakapitbahay, ang mga henerasyon, ang mga pamilya, ang mga nagliligawan.

Sa proseso ng pagtutulungang ito, napag-uusapan nila ang mga planong pagdiriwang sa komunidad, ang kalagayan ng isa’t isa, ang kanilang mga problema, ang pagtaas ng presyo ng pestisidyo at pataba at pagbaba naman ng halaga ng kanilang ani; ang unti-unting pagliit ng kanilang linang at pagyabong ng mga gusali sa kanilang paligid; at ang paglalaho sa hangin ng samyo ng kanilang mga katutubong binhi. Dahil dito, humihigpit ang bigkis ng komunidad at lumalawak at lumalalim ang kaalaman nila sa isa’t isa at ang pag-unawa nila sa kanilang mga tradisyon at kultura. Nagsisilbi naman itong edukasyon ng mga anak na aktibo ring kalahok sa produksyon.

Masasalamin ang pagtutulungan at hatian ng gawain partikular sa paraan nila ng paghahasik ng binhi o pagbabalawang. Ang balawang ay ga-brasong mahabang kawayan na sa puno ay may talim na bakal at ang dulo ay biyak-biyak. Kapag itinusok sa lupa, lumilikha ito ng tunog na parang palakpak. Hawak ang mga balawang, nakahanay ang mga lalaki sa unahan. Tinatawag silang magbabakal o taga-gawa ng butas na paghuhulugan ng binhi. Kasunod nila ang mga babae, na magbububod o taga-hulog ng binhi. Kasunod naman ng mga babae ang mga bata na sila namang magpapayi o magtatabon sa mga binhi sa pamamagitan ng pamayi. Gawa sa palapa ng niyog ang pamayi.

Sinkronisado ang hakbang at kilos ng katawan ng mga magbabalawang o magbabakal. Masiglang idinomonstreyt sa akin ni Mang Nato ang wastong paghawak sa balawang at paghakbang. Umiindayog ang katawan niya pakaliwa’t pakanan habang nagbabago ng direksyon ang kanyang pagbabalawang. Bukod sa masaya at nakakaalis ng pagod, may praktikal ding silbi ang wastong hakbang at kilos. Kapag hindi sinkronisado, tiyak na magkakabanggaan ang mga magbabalawang, na makakaabala naman sa magbububod at sa mga sumusunod sa kanilang magpapayi. Ang ganitong karanasan ay nagagamit nina Mang Nato sa pagbibigay-linaw sa konsepto ng pagtutulungan at pagkakaisa. Minsan, nang napag-usapan namin ang tungkol sa epektibong pag-gogobyerno, sinabi ni Mang Nato na “parang pagbabalawang laang iyan, kailangan nagkakaisa, nasa kumpas.”

Sa huling yugto ng pagtatanim na tinatawag na pagsasarado, kadalasang nagkakaroon ng pilipigan ang mga binata’t dalaga. Isang pagtitipon ito na lalong nagpapahigpit ng samahan ng mga kabataan sa komunidad at nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makilala ang isa’t isa, lalo na ang mga nagkakagustuhan.

Para sa iba pang mga gawaing pangkomunidad, bumubuo sila ng kapisanan o temporaryong samahan na mangangasiwa ng mga aktibidad. Sa proseso ng lahat ng ito, lumilitaw ang mga bayani, o ang mga taong kusang-loob na tumutulong sa mga gawain.
Isa sa mga hindi sinasadyang nabungkal ko habang naghahalungkat ng mga salita ang ugnayan ng pagsasaka at espirituwalidad ng mga magsasaka sa Dolores. Noong pinag-uusapan namin ang tungkol dito, napansin kong parang nagningning ang mata ni Mang Nato. “Pagbalik mo rito, ipapakita namin kung paano ito ginagawa,” sabi niya pagkatapos niyang ikuwento ang tungkol sa kanilang rituwal sa pagtatanim at pag-aani. Itinuro niya ang dalisdis sa likod ng kanilang bahay at sinabing doon namin gagawin ang rituwal. “Dating palayan ‘yan,” aniya.

         Habang nirerekonstrak ni Mang Nato ang dating bukid, kaagad bumangon sa akin ang gunita ng aming palayan. Payuko-yuko ako sa pilapil habang nagpapabakas o nanghuhuli ng hito o dalag sa gitna ng pinitak. Mula sa gilid ng kubo, naaamoy ko ang pindang o tapa na iniihaw ni Ingkong. Kumakaluskos naman ang atip na kogon ng kubo, nangakatinghas habang sinasabunutan ng hangin. Unti-unting sumasabog at lumulutang ang mga pulbos ng putik na nabulabog ng aking paa, parang mga ulap na tumatabon sa repleksyon ng walang kabahid-bahid na kabughawan ng langit.

Hinawakan ako ni Mang Nato sa balikat, habang pinakikinis ng kanyang paa ang lugar na madalas pagtirikan ng krus kapag ginagawa nila ang rituwal. Tuwang-tuwa ako nang malaman ko ang tungkol sa bagay na iyon. Akala ko mga katutubo lamang, o iyong hangga ngayon ay may malinaw pang distink na tribong kinabibilangan, ang gumagawa ng ganoon.
Pagbalik ko sa UPLB, agad akong humagilap ng mahihiraman ng videocam at taong makakatulong sa akin sa pagdokumento ng nasabing rituwal. Pumayag naman agad ang isang gurong nag-aaral ng paggawa ng pelikula sa Diliman. Tag-araw noon ng 2008, bakasyon at may sapat akong panahon para makatigil nang matagal-tagal sa Dolores. Pero hindi na ako nakabalik doon hangga ngayong isinusulat ko ang sanaysay na ito. Santambak na propaganda laban sa mga taong pinararatangang mga terorista at taga-suporta ng NPA at komunista ang kumalat sa UPLB at kalapit nitong mga barangay. Kasama ang pangalan ko sa mga pinararatangan. Bahagi ng pag-iingat, hindi muna ako pumunta sa mga lugar ng aking pananaliksik.

           Akala ko noong umalis ako sa Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)[1] ay tatantanan na ako ng mga katulad na pagpaparatang; hanggang sa simpleng pangangalap pala ng salita ay susundan ako ng ganitong peste. Ang laking abala ng nangyari. May mga pagkakataong tinatagpo ko na lamang sa inaakala kong ligtas na lugar ang mga taong kailangan kong interbyuhin. Sa ganitong mga kaso, mahirap ang proseso ng paghahanap ng salita dahil wala ang aktuwal na mga bagay.

Kapag nasa mismong erya ako, itinuturo ko lamang ang bagay o kagamitan na gusto kong malaman ang tawag at gamit. Pinangalanan ko itong turo-turo, isang pamamaraang napaka-epektibo sa ginagawa kong pananaliksik.

Pero dahil sa problemang nabanggit, idinodrowing ko na lamang o kaya naman ay nagdadala ako ng litrato. Epektibo rin naman ang ganitong pamamaraan, pero wala talagang papalit sa aktuwal na mga bagay.

           Nitong nakaraang Bagong Taon, nag-text si Mang Nato. Nangungumusta at ibinalitang handa na ang mga kawayan at iba pang mga gagamitin namin sa rituwal. Naisip ko agad na baka mabulok ang mga kawayan dahil matatagalan pa bago ako makabalik sa Dolores. Pero ang totoo, hindi pa ang pagkabulok ng mga gagamitin sa rituwal ang pangamba ko. Matanda na si Mang Nato, 78 taon na siya ngayon.

          Nangangamba ako dahil sa Pantabangan, isa-isa nang nawawala ang mga ihinanay kong iintebryuhin tungkol sa aming salita at panitikan. Mula pa noong magsimula akong mag-MA noong 1998, taon-taon kong ipinaplano ang pag-uwi, pero lagi na lamang akong walang panahon at pera. Kapag may pera, walang panahon; kapag may panahon, wala namang pera. Kapag may panahon at pera, may sumusulpot na ibang problema. Gaya noong 2007, handang-handa na akong umuwi – armado ng digicam, laptop, at printer na puwedeng mag-xerox. Bigla namang nagka-engkuwentro ang militar at NPA sa pagitan ng Castañeda, Nueva Vizcaya, at Baler. Umabot ang bakbakan hanggang sa mga sitio ng Pantabangan. Ginawang bakwitan ang eskuwelahan sa barangay Malbang na isa pa naman sana sa puntirya kong balikan. Napurnada ang pag-uwi ko, lalo na’t nagsakliwat ang mga tsekpoynt ng militar sa buong bayan.

         Namatay na si Tang Bering, isang musiko na hindi pa ako ipinapanganak katuwang na ng mga pari sa simbahan. Paano na ang mga sarili niyang komposisyon na balak kong tipunin? Wala na rin si Tang Anwar at si Tang Pat “Bom” Romero. Nuno ng pagpapatawa si Tang Anwar. Bubuka pa lamang ang bibig niya para umpisahan ang kanyang kuwento, humahalakhak na ang mga tagapakinig niya. Kahit paulit-ulit ang kuwento, tatawa at tatawa pa rin ang nakikinig sa kanya. Napakahusay naman ni Tang Pat sa pagtatalumpati, sa pag-iimbento ng kung ano-anong mga boses. Sino kaya ang nakapagtala ng kanilang mga kuwento?

Binawian na rin ng buhay si Tang Alyong. Ang matanda na kahulihulihang umalis sa Pantabangan. Dinidilaan na ng tubig ang haligi ng bahay niya, napapaligiran na siya ng tubig-dam, ayaw pa rin niyang lumipat sa bagong bayan. May makapagkuwento pa kaya ng lawak at lalim ng pagtutol niya sa pagtatayo ng dam?

Maraming baul ng mga kuwento tungkol sa Pantabangan ang hindi na mabubuksan.

Paano kaya ang mga kuwento ni Mang Nato? Kunsabagay, nagkakaingin pa siya. Noong huli kong punta sa kanila noong 2008, may bitbit siyang niyog at ilang puno ng balinghoy na mas kilala sa tawag na kamoteng kahoy. Masigla pa ang kanyang kilos pero halata na ang kulaba sa kanyang mata at ang bahagyang panginginig ng daliri kapag may itinuturo. Medyo garalgal na rin ang kanyang boses at kapansin-pansin ang malalim na paghingal pagkatapos ng mahaba-habang pagsasalita. Pero hindi ako sigurado kung ang mahahabang patlang sa pagitan ng kanyang mga salita ay palatandaan ng pagod o pagsalakay ng gunita.

Bago siya magpresentang ipapakita niya sa pagbalik ko sa Dolores kung paano ginagawa ang ritwal sa pagtatanim at pag-aani, napansin ko ang mahahabang patlang sa kanyang pagsasalita at ang malalim na buntong-hininga. Habang ikinukuwento at ikinikilos niya ang ilang bahagi ng rituwal, madalas siyang lumilingon sa bundok San Cristobal, parang nagpapaalam muna bago magsalita. Naitanong ko tuloy sa sarili: May ninuno kaya siya sa mga magbubukid na kauna-unahang naglunsad ng organisadong rebolusyon laban sa mga mananakop na Kastila?[2] Nakinita ko sa balumbon ng mga dahon sa paanan ng San Cristobal ang pulutong ng mga magsasakang may mga hawak na itak at pinatulis na kawayan; naulinig ko ang dagundong ng pagnanasa nilang lumaya mula sa kaalipinan.

Garagal pero tumataginting sa dibdib ko ang boses ni Mang Nato. Bago ihasik ang binhi, magtitirik ng krus sa gitna ng linang ang pinakamatanda at respetadong magsasaka sa komunidad. Halos malunod ako sa lalim ng kahulugang ibinabadya ng kanyang mga mata. Sa tabi ng krus, itatanim niya ang tatlong puno ng tagbak[3] at tatlong uhay ng tanglad. Sa tabi ng mga ito, ibabaon ang tatlong piraso ng bunga o betel nut.

Sinuyod ko ng tingin ang dalisdis mga ilang dipa mula sa aming kinauupuan. Ginagapangan ng mga dilaw-berdeng baging ang mga tulos at pagapang. May mga batong buhay na parang mga ulong nakatingala sa langit. Hihilingin niya sa mga butil ng binhi na gayahin ang mga katangian ng tagbak, tanglad, at bunga; ibig sabihin, maging matataba, mababango, at mabibilog sila. Parang naulinigan ko ang bulong ng aking lolo habang binubunutan niya ng damo ang mga sibuyas: “bumilog kayo at palutungin ang inyong mga talukap.”

Bago naman anihin ang palay, pinupunuan muna ito o binabalian ng mga uhay. Ginagawa ito kapag tao[4]g ang dagat, para maging masagana ang ani. Namimitig ang mga ugat sa mga braso ni Mang Nato habang ginigiyahan ng mga krokis sa lupa ang kanyang pagkukuwento, Kakulay ng kanyang balat ang lupa, kasinggaspang ng tiningkal ang kanyang palad.

Sa madaling-araw pinupunuan ang palay, dapat walang makakita sa gagawa nito, kahit na ‘yung mga kasama niya sa bahay. Kung hindi, mamalasin. Kaya dapat lihim talagang ihanda ng tagapuno ang mga kagamitan sa rituwal at patago siyang umaalis sa bahay papunta sa linang. Magdadala siya ng bao ng makapuno na nakabalot sa puting tela at ng tungkod na gawa sa berdeng kawayang walang bulo at tinik.

Dahan-dahang tumayo si Mang Nato, tumuro sa bandang itaas ng dalisdis. Walang kaulap-ulap ang langit. Pagdating niya sa gitna ng palayan, pipikit siya at babali ng mga uhay na isisilid niya sa ba. Hindi siya mumulat hanggang hindi puno ang bao. Pag-uwi niya, magkukunwari siyang mabigat ang dala. Panawagan ito sa palay na magbigay ng masaganang ani. Tatlong araw bago buksan ang bao, ilalagay ito sa mataas na lugar, kadalasan ay sa bubong. Kasama ito sa mga binhing ihahasik sa susunod na anihan.

Bumuntung-hininga siya at muling tumingin sa bundok, niyakap kami ng katahimikan. Mayamaya, binura niya ng hawak niyang patpat ang mga krokis na ginawa sa lupa.

“Apatnapung taon na yata ang nakalipas mula noong huling ginawa dito ‘yan,” sabi ni Mang Nato. Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya; nakasunod pa rin sa matandang nakapikit habang bumabali ng uhay ng palay ang utak ko. Malalim din ang pananampalataya ng lolo ko at sa katunayan isa siyang albularyo, pero hindi ko siya kinakitaan ng rituwal sa pagsasaka gaya ng ibinahagi ni Mang Nato.

Kahanga-hanga ang rituwal na ito ng mga magsasaka sa Dolores. Nasilip ko rito ang operasyon ng isang holistikong pananaw-mundo na nasa bingit na ng paglalaho. Matagal bago rumehistro sa isip ko ang sinabi ni Mang Nato na apatnapung taon na mula noong huling gawin ang rituwal na iyon sa kanilang lugar. Tumatanggi siguro ang loob ko na ang ganoon kalalim ng ugnayan ng lupa at espirituwalidad ay isang kuwento na lamang.
Ikatlong balik ko na noon sa Dolores at halos napuntahan ko na ang lahat ng barangay nito. Wala akong maalalang may nadaanan o nakita akong palayan. Parang bigla akong naalimpungatan. “Kahit ‘yong magsasaka diyan sa Sta. Lucia, sumuko na rin, nagtanim na rin ng sitaw. Kami noong 1970 pa tumigil sa pagtatanim ng palay,” sabi ni Mang Nato. Idinagdag niya na sa buong Dolores ay wala nang nagtatanim ng palay. Lugi sa pagod at sa gastos. Mas mainam pa ang gulay at madaling anihin. Mahirap ding umasa sa ulan para sa patubig. Isa pa ay lumiit na raw nang lumiit ang lupang taniman. Sinakop na ng mga subdibisyon. “Inangkin ng mga mayayaman,” himutok ni Mang Nato.

Niyaya niya ako sa likod ng kanilang bahay para ipakita ang mga gamit niya sa pagsasaka. Kinakain na ng kalawang ang kanyang araro at puno na ng sapot ang yugo o singkaw ng kalabaw. Naisip ko ang nakalap kong mga salita – ilan kaya ang hindi pa niya nasasabi dahil nakalimutan na niya? Dahil wala nang batayan para maalala pa.

Hinayang na hinayang ako sa mga binhing dati nilang itinatanim, nakatala pa sa memorya ni Mang Nato ang mga ito: buluhan, denurado, dinolores, gininto, inuway, kinamalig, kinanda, kinustanyo, kuliit, malagkit, nagdami, pirurutong, pulupot, tangi. “Hindi ipinagbibili ang tangi, para sa ‘yan sa pamilya. Mabango at malambot ang tangi.” May pagmamalaki sa boses ni Mang Nato, pero bakas na bakas ang panghihinayang.

Bumibili na sila ng bigas ngayon mula sa mga kalapit na probinsya. At noong mga nakaraang krisis sa bigas, naranasan nilang pumila para makabili ng bigas na inangkat mula sa Thailand. “Alam mo sir,” sabi ni Mang Nato, “dito laang nag-aral tungkol sa pagsasaka ang mga dayuhang ‘yan.” Napangiti ako, sabi ko sa kanya: “Marami pa rin pong dayuhan dito, mga konsultant po.” Hindi siya kumibo, bumuntong-hininga lamang siya nang malalim. Saka niya ikinuwento ang karanasan nila sa mga mananaliksik mula pa noong dekada sitenta.

May nagsaliksik na rin daw tungkol sa mga salita nila at nangakong bibigyan sila ng kopya ng sinusulat na libro tungkol sa kanilang buhay. Pero ni minsan daw ay hindi na ito bumalik. Noong huli nilang mabalitaan, nagtatrabaho na sa Amerika. Sanay na raw silang pinag-aaralan sila. Parang nakaramdam naman ako ng hiya lalo na nang idiniin niya ang tungkol sa salitang “pag-aaral.” Inusisa ko agad ang sarili ko kung bakit naroon ako. Hindi nga ba kung tutuusin ay pinag-aaralan ko rin sila? Naisip ko tuloy kung ano ang iniisip sa akin ni Mang Nato. Kunsabagay, wala naman akong inilihim sa kanila. Sana nga lamang matupad ko ang pangako kong isasama ko sila sa IRRI para makita ulit nila ang binhing dati nilang ihinahasik. Nangako rin ako sa kanila ng kopya ng diksyunaryong mabubuo ko.

          Naalala ko ang IRRI at ang sinasabi lagi ni Ka Jimmy Tadeo tungkol sa imperyalismo ng butil. Kung sino raw ang may kontrol ng butil, siyang may kontrol ng daigdig. Nasa museum ng IRRI ang halos lahat ng binhi ng palay sa Pilipinas. Noong panahon ng Masagana 99 program ni Imelda Marcos, pinalitan ng high yielding varieties ang mga tradisyonal na binhing tinatanim ng mga Filipinong magsasaka. At nangulila ang kabukiran sa Pilipinas sa mga binhing dantaon nitong kapiling.

“Dati,” pangiting sabi ni Mang Nato, “dinikdik na dahon ng madre cacao o sili lamang ang ginagamit para itaboy ang peste ng palay, sa HYV santambak na pestisidyo.” Idinagdag niya na kapag nasobrahan sa kemikal, natutungro ang palay. Natural kapag tungro ang tanim, kailangang gamutin; ang problema, kapag naiaplay na ang gamot sa tungro, may panibagong sakit na dadapo sa palay.

Lahat ng gamot sampu ng pataba at kasangkapan pansaka, mabibili sa nagsuplay ng binhing HYV. Natali ang magsasaka sa kapitalista, namihasa ang lupa sa kemikal hanggang mawala na ang sigla nito. Hindi na kayang umaruga ng palay nang hindi dinadamihan ang pestisidyo; ang palay naman hindi na sumisigla hanggang hindi binobombahan ng kemikal na kailangang mas matapang kaysa nakaraang taniman.

“Nakasira laang ‘yang Land Reform ni Marcos, wala tayong napala.” Ikinuwento ni Mang Nato ang hindi matapos-tapos na pakikipaglaban ng mga magsasaka para sa lupa. Mahigit apatnapung taon na siyang hindi nagsasaka pero nasa boses pa rin ni Mang Nato ang taginting ng wikang pinanday ng mahabang karanasan sa piling ng lupa.

Sa mga nakalap kong salita mula sa Dolores, makikita ang sinasabi ni Terry Eagleton na ang mga terminong ginagamit natin para sa pinakamatatayog na aktibidad ng tao ay mula sa paggawa at agrikultura.[5] Isang halimbawa nito ang salitang kalinangan na mula sa salitang-ugat na linang.

At narito ang salitang amugis, iniaalay ang sarili hindi lamang bilang panumbas sa pollen at pollination. Kaya rin nitong saklawin ang akto ng pagpapalitan ng idea, ang polinasyon ng kamalayan. Kaya rin nitong tukuyin ang fertilisasyon ng isip na nangyayari sa isang forum o malayang talakayan. Amugisan – parang Taboan. Isang pagtitipon na naglalayong magbahaginan tungo sa ibayong paglinang ng kamalayan.

Saan ipinadpad ng hangin ang mga amugis? Wala na sa Dolores ang muta-mutang kumakapit sa mga uhay upang ihudyat ng magbubuntis ng palay. Sapagkat wala na ang bukirin doon na dating tinatanuran ng Bundok San Cristobal. Pero nanatiling kaamugisan sa dila ni Mang Nato ang mga salitang iniluluwal ng lupa. Patuloy silang sumasakay sa hangin, patuloy na namamagpag, at sinasalo ng mga tulyapis.

At nakanganga ang aking isip, mistulang tulyapis na tumatanggap ng amugis mula sa karanasan ni Mang Nato, mula sa karunungang iniluwal ng patatalik ng lupa at magbubukid.

[1] Halos sampung taon akong nagtrabaho sa TFDP bilang human rights educator. Sa pagpunta namin sa mga liblib na lugar sa bansa para magsagawa ng edukasyon sa karapatang pantao o para magdokumento ng mga paglabag sa karapatan, madalas kaming paratangang maka- NPA ng mga militar.
[2] Tingnan ang komprehensibong akawnt nito sa librong Pasyon at Revolution ni Reynaldo Ileto
[3] tagbak -- isang uri ng halaman na matataba ang puno.
[4] taog – high tide
[5] Eagleton, Terry. 2000. The Idea of Culture. USA: Blackwell Publishers, Inc. p1